Sam Pinto malakas ang pang-amoy sa mga baklang aktor at model na manliligaw

PARA pa lang bading itong si Sam Pinto, my BFFT Pete A., na malakas ang pang-amoy kung lalake ba o bakla ang actor na gustong pumorma sa kanya. Natanong kasi minsan ang GMA talent kung willing na ba itong magpaligaw ngayong loveless siya. Hindi bale na lang daw kasi may ilang showbiz at non-showbiz guy specially sa modelling world na nagpapalipad-hangin sa kanya.

Pero karamihan dito, alam ni Sam na gay ang mga ito. At ang pinakaayaw pala ng magandang actress na alagang ito ni Ms. Claire dela Fuente ay ‘yung gamit-gamitin siya at gawing front lang nu’ng guy na nagpapakakalalaki.

Saka as of now ay hindi naman daw nagmamadali si Sam sa kanyang lovelife dahil nakakapag-antay naman ‘yan.

Ang priority ngayon ng No. 1 Sexiest Women in the World ay magpayaman dahil plano nitong magpatayo ng sariling boutique kung saan design nito ang mga gagamitin. Saka mas binibigyang prayoridad ng biyuti at sexy actress ang kanyang career sa GMA-7 kung saan hindi siya nawawalan ng projects.

Mabenta rin pala si Sam sa mga corporate shows at gusto nitong mag-aral kumanta para mas maraming raket pa ang dumating sa kanya. Well, bahala nang mag-train sa kanya ang Divang manager na si Ms. Claire. Keep up the good work and good luck, gyud!

***

Relasyong Gerald at Jessy hinahadlangan sa ‘Budoy’

SUNUD-SUNOD na dagok ang pilit na nilalampasan ng karakter ni Drama Prince Gerald Anderson sa top-rating Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na Budoy– mula sa patuloy na paghahanap ng kasagutan sa biglaan niyang pagtalino; hidwaan sa pagitan nina Luisa (Zsa-Zsa Padilla) at Elena (Janice de Belen); hanggang sa tinututulan nilang pag-iibigan ng kababatang si Jackie (Jessy Mendiola). Ngayong nagkakasundo na ang mag-inang sina Grace (Mylene Dizon) at BJ (Enrique), mas titindi pa ba ang mga pagsubok na kakaharapin ni Budoy?

Makaapekto ba ito sa pag-unlad ng kanyang pag-iisip o ibabalik nito ang dati niyang sakit? Huwag palampasin ang mga pagbabagong tiyak na hinding-hindi inaasahang mangyayari sa Budoy sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.budoy.tv, sundan ang @budoy_tv sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/budoy.tv.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply