Same sex marriage, RH bill sisira sa dignidad ng mga Pinoy

TULUYANG masisira ang dignidad ng mga Filipino kapag patuloy na isusulong ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang Reproductive Health bill at same sex marriage na matagumpay na naisingit ni Senador Miriam Defensor-Santiago sa Anti-Discrimination bill sa Senado.

Ito ang babala ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz at inihayag na sinasabi sa Banal na Bibliya na ang same sex marriage ay tuwirang sisira sa moralidad ng tao.

Ayon kay Cruz, ipinakita sa istorya ng Sodom at Gomorrah na ikinagalit ng Panginoon ang paglaganap ng imoralidad na banta sa sangkatauhan.

“Pinapangunahan ng Pangulo ang pagsusulong ng RH bill na ‘yan, divorce at same-sex marriages.  Isa-isa yan, kung siya ay mananatili sa puwesto ay mayroon pa siyang apat na taon para isulong ang mga panukalang batas na nabanggit sa Kongreso. Ang totoo niyan, kapag mayroong naisabatas sa mga ito ay lalong bababa ang dignidad ng mga Filipino. Sa Bibliya kasi ayaw na ayaw ng Diyos ng same-sex union kaya niya pinaulanan ng apoy ang Sodom at Gomorrah dahil ang mga tao ay practicing homo-sexual acts.  Ito marahil ang nasa kaisipan ng Santo Papa ng ihayag nito na ang same-sex union ay threat sa humanity,” ayon kay Cruz.

Nilinaw naman ni Archbishop Cruz na hindi siya sang-ayon sa same-sex marriages, at bagamat wala naman siyang masamang tinapay sa mga miyembro ng third sex, ay hindi rin aniya siya pro-gay.

Ayon kay Cruz, ang kanyang adbokasiya ay pro-humanity sa usapin ng kasagraduhan ng pagpapamilya at buhay.

“Number 1: sinabi ko raw na tinatanggap ko ang gay marriages kahit na ito ay labag sa aral ng Simbahang Katolika? Ang sagot ko,para sa akin may gay marriages na hindi nakikinig sa Simbahan at naiintindihan ko sila na sila ay nagsasama.Ang sabi ko lang, kung sila ay magsasama ay matatawag lamang nila itong agreement, partnership but not marriage sapagkat ang marriage ay pagsasama ng isang lalaki at babae,” aniya pa.

Binigyang-linaw din ni Cruz ang isyu sa sinasabi niyang ang infertility ay isang hadlang sa kasal.

“Ang sinabi ko, hindi hadlang ang infertility sa kasal kundi hadlang sa kasal ay ang impotence,” aniya.

“Ikatlo: sinasabi na ako raw ay kunsintidor sa mga gay, na ako raw ay pro-gay. Ang sagot ko riyan, ang gay ginawang nilalang na kawangis ng Diyos. Sumakatuwid, mayroon dapat silang karangalan na dapat igalang at huwag yuyurakan ang kanilang pagkatao. Hindi po ako pro-gay pero pro-human dignity ako, pro-human person ako maski babae, lalaki o gay, ano pa man, ang lahat ay anak ng Diyos at ang utos ng Diyos ay mahalin ang kapwa, kasama po diyan ang lahat,” saad pa ng Arsobispo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply