Sangkap sa paggawa ng pampasabog nasabat sa Bicol

HINULI ng mga awtoridad ang hindi pa pinapangalanag sibilyan makaraang makunan ng iba’t ibang uri component sa paggawa ng pampasabog sa isang bus na patungong Masbate City.

Narekober ang nasabing mga sangkap habang nasa isang pantalan ang isang Elavil bus na nagmula sa Pasay City at patungong Masbate City.

Kabilang sa mga nakumpiska ang tatlong rolyo ng time fuse, walong mga kahon na naglalaman ng empty blasting cups, dalawang plastic bag na naglalaman naman ng brown substance na hinihinalang component sa prime buster na tinatayang aabutin sa anim na kilo, tatlong plastic bags na naglalaman ng white substance at may timbang ng limang kilo na hinihinala naman na C4 prima.

Tinatayang aabot sa P100,000 ang halaga ng mga nakumpiska sangkap sa pampasabog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply