Sangkaterbang ghost employee sa Pasay, buking!

SINISIMULAN nang busisiin ng Commission on Audit (COA) ang pagsusuri sa mga ‘multo’ na empleyado (ghost employees) ng Pasay City Hall.

Nag-ugat ang sinasabing pagbusisi sa ghost employees ng Pasay City Hall makaraang mabulgar ang malawakang pagtanggap ng sahod ng mga ito nang hindi naman nagtatrabaho sa lokal na pamahalaan.

Kamakailan ay isa-isang sinuri ng COA sa Pasay City Hall  ang listahan ng mga kawani na nakatalaga sa Sangguniang Panglunsod, tanggapan ng bise alkalde at sa mismong tanggapan ni Mayor Antonino Calixto para masiguro kung sino-sino sa mga ito ang itinuturing na mga ghost employee.

Mantakin ninyo, sa patuloy na pagbubusisi ng COA ay nadiskubre ang sangkaterbang ghost employees sa Pasay City Hall.

Ano ba naman ‘yan, Mr. Mayor Calixto.

Sa talaan ng mga kawani ay nadiskubre na  tumatanggap ang ilang kawani ng P500 hanggang P1,000 kada kinsenas at katapusan ng buwan pero triple ang halaga ng kanilang pinipirmahang sahod.

Nadiskubre pa na napasama ang pangalan ng isang preso sa Pasay City Jail sa mga tumatanggap ng sahod kahit na nakakulong.

Misteryoso nga yan.

Kaya kumilos na ang COA para magsagawa ng kanilang sariling imbestigasyon kung saan napupunta ang malaking bahagi ng salapi na inilaang sahod sa mga ghost employees.

MOTOLITE  BULOK

Pahapyaw nating silipin ang Motolite Battery ng Union Motors Corporationna nagbigay pa ng warranty pero wala sa mga warranty coverage na ibinibigay nito sa mga user ang nasunod.

Niloloko ng Motolite Supplier ang mga Motolite battery user.

Panggagago ang ginagawa nila! Abangan…

oOo

Anoman ang reklamo mangyari ay itext lang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@ yahoo. com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply