SC clerk of court haharap sa Corona trial

INAASAHANG dadalo ngayon sa impeachment court ang Clerk of Court ng Supreme Court upang personal na dalhin ang Statement of Assets and Liabilities Network (SALN) ni Chief Justice Renato Corona mula noong 2002 hanggang 2011, ayon kay Atty, Maria Valewntina Cruz, tagapagsalita ng impeachment trial.

Bukod dito, ipinatawag din ng impeachment court si Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares, kabilang ang registers of deeds at city assessors ng Taguig, Quezon City, Paranaque, Pasay, at Makati upang ihatid naman ang original na kopya ng  transfer certificate of titles.

Sinabi ni Cruz na kapag hindi dumalo ang SC Clerk of Court o dumalo naman nang walang dalang dokumento, magdedesisyon ang trial court upang parusahan ito.

Ipinatawag din ng korte ang siyam na iba pang katao kabilang ang personnel officer ng Office of the President at si Camp John Hay’s Jaime Luis Agbayani.

“We have prepared the requests but the Senate president has not issued the subpoenas yet,” ayon kay Cruz.

Samantala, sinabi pa ni Cruz na suspendido ang paglilitis ni Corona sa Lunes (Enero 23) upang bigyang daan ang Chinese New year na ideneklarang non-working holiday. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply