SC hindi naglabas ng TRO sa impeachment trial

BIGO ang ilang abogado na mapigilan ang impeachment trial laban kay Chief Justice Renato Corona.

Ito ay matapos hindi magpalabas ng temporary restraining order ang Supreme Court en banc kaugnay sa mga petisyon na humihiling na maharang ang proseso ng impeachment.

Sa halip, binigyan ng SC ang Kamara ng 10 araw upang magkomento sa mga inihaing petisyon nina tax informer Danilo Lihaylihay, Atty. Vladimir Cabigao, dating Integrated Bar of the Philippines president Vicente Millora, Atty. Oliver Lozano at mga abogadong sina Homobono Adaza at Allan Paguia.

Nagdesisyon din si Corona na mag-inhibit sa pagdinig ng korte sa kaso na kanyang kinasasangkutan.

Ayon sa source, napunta kay Senior Associate Justice Antonio Carpio ang paghawak sa limang petisyon.

Magugunita na kabilang sa idinadahilan ng mga petitioner ang hindi pagkakaloob ng due process kay Corona dahil sa mabilisan umanong pagsusumite ng articles of impeachment sa Senado.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply