SC kinuwestiyon sa SMC shares ng coconut farmers

KINUWESTYON ni Sen. Joker Arroyo ang desisyon ng Supreme Court hinggil sa pagmamay-ari ng 24% ng sapi sa San Miguel Corporation (SMC) na ginamit ang pondo ng magniniyog mula sa coconut levy.

Sinabi ni Arroyo, kilalang human rights lawyer sa panahon ng Martial Law, sinabi ni Artrtoyo na kahit masyado nang huli at masyadong maliit ang naiwang pondo ng magniniyog sa SMC, hindi naman tinukoy ng SC kung kanila talaga ang naturang sapi.

“Why did it take such a long time?  Where does the reduced 24% go?  To the government,  or to the farmers?  That is the question,” ayon kay Arroyo.

Kamakailan, nagpalabas ng desisyon ng Supreme Court na nagsasabing pag-aari ng gobyerno ang 24% sapi sa San Miguel Corporation ngunit hindi malinaw na tinukoy ng Hukuman kung paano makukuha ng magniniyog, na siyang nagbayad ng coconut levy, ang benipisyo sa naturang desisyon.

Aniya, walang sinumang magniniyog na nabenepisyuhan hanggang ngayon mula sa coconut levy 35 taong na ang nakakalipas.

“Did the coco farmers benefit from the levy imposed on them 35 years ago?  Not at all.  Zero,” ayon kay Arroyo.

Aniya, noong una, nagdesisyon ng Sandiganbayan na 20% ng 47% ng sapi sa SMC ay hindi pag-aari ng mga magniniyog at pag-aari ito ni Danding Cojuangco, noong 2007 kaya tanging 27% na lamang ang naiwan sa magsasaka.

Pero, binawasan din ng korte ang sapi ng magniniyog matapos umabot na lamang sa 24% ang pag-aari nito sa San Miguel.

“Now 35 years after the coconut farmers contributed to the coco levy funds where they did not benefit whatsoever but made others rich, the Supreme Court says the government is the owner, according to news reports,” aniya.

“Someone in the five past and present administrations owe the coconut farmers, who have grown tired and weary, old and dead an explanation,” patapos ni Arroyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply