SC spokesperson Marquez ipatatawag sa impeachment

TATLONG mahistrado ng Korte Suprema kabilang si Atty. Jose Midas Marquez ang nakatakdang ipatawag ni prosecutor at Bayan Muna Rep. Neri Javier Colmenares upang tumestigo sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Colmenares, ito ay kapag tinalakay na ang Article 7 ng inihaing walong Article of Impeachment sa Senado na tumutukoy sa diumano’y pag-abuso ni Corona sa kapangyarihan nang paboran si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa pamamagitan ng paglalabas ng madaliang temporary restraining order (TRO).

Sina Marquez at Justice Presibetero J. Velasco, Jr. ay tatayo bilang mga hostile witness habang si Justice Maria Lourdes Sereno ay maninindigan sa kanyang naunang pahayag na minadali at inabuso ni Corona ang kanyang pagiging punong mahistrado upang paboran si Ginang Arroyo.

Samantala, pinaiimbesigahan na rin ng grupong Akbayan sa Office of the Ombudsman si Marquez.

Sa letter complaint na isinampa ni Akbayan Rep. Walden Bello kay Ombudsman Conchita Carpio Morales, hiniling nito na papanagutin si Marquez sa mga umano’y iregularidad sa implementasyon ng judicial reform support project.

Bilang court administrator, may pananagutan daw si Marquez sa kinukwestyong maanomalyang paggastos ng halos P9 milyon (siyam na milyong pisong) pondo mula sa World Bank na nakalaan sana para sa mas mabilis na access sa hudikatura, pagpapalibis ng proseso ng mga kaso at reporma sa mga hukuman sa bansa.

“Marquez has squandered the unique opportunity to stand for wisdom, integrity, fairness and the zeal for serving the people, his actions reflecting the institutional failings of the Court that is being increasingly evident in the impeachment trial against CJ Corona: entrenchment into a privileged position, and a refusal to be accountable to the public,” anang mambabatas.

Sa halip umano na protektahan ang interes ng hudikatura, mistulang pinanigan pa ni Marquez ang umano’y tiwaling opisyal tulad ni Corona.

Malinaw aniya sa batas na mahigit na ipinagbabawal ang paggamit ng tauhan, opisina at iba pang resources ng gobyerno para depensahan ang isang opisyal na nahaharap sa impeachment.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply