Scholarship sa indigenous people pinaplantsa

PINAPLANTSA nang mabuti ng House Committee on National Cultural Communities ang framework sa mungkahing Indigenous Peoples Scholarship Program para itaguyod ang kalagayan ng indigenous people sa pamamagitan ng edukasyon.

Sa pangunguna ni Rep. Teddy Brawner Baguilat, Lone District, Ifugao, tinatalakay ng kanyang komite ang House Bill No. 1347 para sa pagpapatayo ng nationwide Scholarship Program para sa indigenous people.

Ayon naman kay Rep. Augusto Syjuco, 2nd District, Iloilo, ang kanyang panukala ay magbibigay ng kahulugan at titiyak na affordable, accessible at quality education para sa indigenous people.

“Ang edukasyon ang isa sa susi para sa mapanatili ang maunlad na ekonomiya at sila ay nangangailangan ng tulong mula sa ating gobyerno,” sabi ni Syjuco.

Sinuportahan ni Baguilat ang mungkahi ni Rep. Rufus Rodriguez na maglaan ng P200 milyon para sa Indigenous Peoples Scholarship Program (IPSP).

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply