Seaman dinale ng akyat bahay gang sa Kyusi

MULING umatake ang “akyat-bahay” gang sa Quezon City makaraang tangayin ng mga ito ang may 1,000 Euro at P150,000 na halaga ng mga alahas sa bahay ng 56-anyos na seaman sa Barangay Culiat, Quezon City.

Dinistrungka ng mga magnanakaw ang lock sa pintuan ng bahay ni Alberto Espinola at nilimas ang mga pera at alahas.

Nauna rito, pinasok din ng mga “akyat-bahay” ang bahay ng singer na si Imelda Papin sa Quezon City kung saan aabot sa P500,000 halaga ng pera at mga mamahaling kagamitan ang natangay ng mga magnanakaw sa bahay ng singer.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply