Seguridad sa impeachment trial ni Corona kasado na

NAKAKASA na ang security operations ng Philippine National Police (PNP) para sa pagsisimula ng impeachment trial kay Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona mamayang hapon.

Sa katunayan, maaga pa lang ay mahigit 500 kapulisan na ang ipinakalat ng PNP para magbantay sa perimeter ng Senado.

Kabilang sa naturang bilang ay ang 50 riot police na itatalaga sa Manila Film Center na may 100 metro ang layo mula sa labas ng Senado.

Nagpakalat na rin ng mga K9 units upang mas lalong mapaigting ang seguridad ng lugar.

Bukod pa dito, maglalagay din ng checkpoint sa may Film Center upang hindi na umabot sa labas mismo ng Senado.

Hindi basta-basta makapapasok sa checkpoint ang mga tao. Maging ang media ay hindi agad makakapasok kung saan kailangan nilang magprisinta ng special indentification (ID).

Sa kasalukuyan, nagsisimula pumunta ang ilan nating kababayan para sa 150 na ticket na ibibigay para sa mga nais manood ng paglilitis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply