Sekyu kritikal sa saksak

MALUBHA ang kalagayan ng isang sekyu matapos itong patraydor na saksakin ng hindi pa

nakikilalang suspek habang nakikipag inuman sa mga kaibigan kaninang madaling-araw sa Longos Malabon City.

Nakaratay at ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng malalim na saksak sa kaliwang bahagi ng likuran si Georgenios Sanghanan, 37, security guard, nakatira sa Block 40 Brgy. Longos ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, dakong alas-12:05 ng madaling-araw ng maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Nabatid nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan pero lingid sa kaalaman nito ay palihim itong nilapitan ng hindi pa nakikilalang suspek at saka agad na tinarakan ng saksak sa likuran.

Mabilis na tumakas ang suspek dala ang ginamit na patalim habang ang biktima ay agad dinala sa nasabing pagamutan.

Patuloy ang isinasagawng imbestigasyon ng pulisya at inaalam kung ang suspek ay may lihim na galit sa biktima kaya palihim na isinagawa nito ang krimen. Roger Panizal

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply