Friday the 13th: Sentido pinasabog ng sekyu

MINSAN pang napatunayan na ang numerong trese ay may hatid na kamalasan lalo na kung papatak sa araw ng Biyernes.

Ito ay matapos magbaril sa sarili ang isang security guard sa loob mismo ng binabantayang gusali sa Quezon City, kaninang madaling-araw.

Ang biktima na namatay noon din sanhi ng tama ng kalibre 38 sa kanang sentido ay si Sammy Dorte, 33, guwardiya ng Community Builders Foundation compound na nasa Scout de Guia St., Barangay Laging Handa.

Ayon sa Quezon City Police Distrirt-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), natuklasan ang krimen dakong 7:30 ng umaga pero naganap ang pagpapakamatay sa pagitan ng ala-1 hanggang alas-2 ng madaling-araw sa nabanggit na gusali.

Ayon sa nakadiskubre sa krimen na si Liezel Villareal, sekretarya ng naturang kumpanya, nagulat na lamang siya nang mapansin na duguan ang biktima habang nasa loob ng security post.

Upang makasiguro, nilapitan ito ni Villareal at doon natuklasan na may tama ang biktima ng bala ng sariling baril sa ulo.

Sa tabi ng bangkay ni Dorte, nakita ang sevice pistol nito na pinaniniwalaang ginamit sa kanyang pagpapakamatay.

Hindi naman ibinabasura ng CIDU, ang paniwalaang posibleng may foul play sa naganap na pagkamatay ni Dorte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply