Sen. Drilon ipinagtanggol ng Malakanyang

IPINAGTANGGOL ng Malakanyang si Senator-judge Franklin Drilon makaraang pinag-i-inhibit ng depensa sa impeachment trial ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, hindi katanggap-tanggap bakit pinag-i-inhibit ng depensa si Drilon gayong sa mga regular na korte naman pwedeng magtanong ang hukom sa mga testigo.

Ani pa ni Lacierda, tumutulong lamang si Drilon at iba pang senator-judges sa taumbayan na lumabas ang katotohanan dahil ito ang kanilang tungkulin at hindi aniya pinagtatakpan ni Drilon ang prosecutors at wala ring kakulangan ang prosekusyon.

Sa ilalim kasi aniya ng rules ng Senado, hindi pwedeng mapilit ng Senate impeachment court ang sinuman na mag-inhibit dahil personal na desisyon lamang ang pag-i-inhibit.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply