Sen. Santiago nais na maka-date ni Kris Aquino

SI SEN. Miriam Santiago ang nais na maka-date ni Kris Aquino kung siya ay naging isang lalaki.

Ito ang tahasang tugon ni Kris, bunsong kapatid ni Pangulong Benigo “Noynoy” Aquino III, sa online question ni Vice Ganda na “Sino ang ide-date nito kina Santiago, dating Pangulong Gloria Arroyo at dating First Lady Imelda R. Marcos?” sa programang “Gandang Gabi Vice” sa ABS-CBN.

“Si Senator Miriam kasi kailangan namin ang boto niya sa impeachment hahaha!” hayagang tugon ng batang Aquino, para sa conviction ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona

Ani Kris, kailangan nila ang boto ni Santiago sa nakatakdang impeachment trial ng punong mahistrado na magbubukas sa Enero 16, 2012.

Samantala, wala pang reaksyon si Sen. Santiago sa naging pahayag ni Kris Aquino.

Kailangan ng 16 na boto mula sa 23 senador para mahatulan ng guilty si Corona. Walo lamang ang kaalyado ng administrasyon sa Senado kaya’t kailangan pa nila ang suporta ng walo pang senador.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply