Senado guwardiyado ng pulis sa impeachment trial

HINDI maikakailang may panganib sa paglilitis kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona kaya’t nagdagdag ng 500 tauhan ang Philippine National Police (PNP) sa Senado upang bantayan ang seguridad pagsisimula ng proseso sa Lunes, Enero 16, 2012.

Sa nakalap na impormasyon ng Remate.ph, bukod sa 50 miyembro ng Police Security and Protection Group (PSPG) na itatalaga sa loob ng bakuran ng Senado, mahigit 400 pulis naman ang ipakakalat sa labas ng gusali.

Magpapakalat din ng PNP ang K-9 units, bomb disposal personnel at Civil Disturbance Management contingent sa loob ng bakuran ng Senado kabilang ang ilang Special Action Force (SAF).

Ayon naman sa pulisya, wala pa silang namo-monitor na banta na magdudulot ng panganib sa impeachment trial.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply