Senado nagpatahi ng bagong toga para sa trial ni Corona

NAGPATAHI ng bagong toga ang mga senador upang maihabol sa pagbubukas ng impeachment trial ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona ngayong Enero 16 matapos mabaduyan ang maraming senador sa kulay at sukat ng toga.

Ang bagong kulay ng togang susuutin ng mga senator/judge ay kulay maroon na kakulay ng suot ng Itim na Nazareno.

“It’s maroon. The color is a little bit different from the original one,” wika ni Atty. Valentina Cruz na siyang spokesperson ng Senate Impeachment Court.

Binanggit ni Cruz na maraming senador umano ang umangal sa lumang toga na kulay pula kung kayat napilitan silang magpa-rush ng tahi ng bagong toga na susuutin ng mga senador sa darating na Lunes. Matatapos ang pagpapatahi sa bagong toga sa Sabado, Enero 14.

“Not everybody was happy with the original robe given to them,” dagdag pa ni Cruz.

Wala namang ideya si Cruz kung magkano ang halaga ng mga bagong pinatahing toga, gayundin ang presyo ng lumang toga.

Nagtalo na sina Sens. Francis “Chiz” Escudero at Panfilo Lacson kung kailangan pang suutin ang toga kung saan nanindigan ang una na hindi naman ito ginawa noong impeachment trial ni dating Pangulong Joseph Estrada pero humirit ang huli na kahit marami ang tutol ay dapat silang magkaisa sa pagsusuot ng toga.

“As far as I know, they will wear robes because according to them, they want to wear it but I don’t know let’s see if they will wear it everyday,” wika ni Cruz. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply