Senator-judges hindi maaaring ipa-inhibit

HINDI maaaring ipa-inhibit ang sinuman sa senator-judges na lumilitis sa impeachment trial ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona, pagdidiin ng House prosecution panel.

Ayon kay Mindoro Representative Ray Umali, hindi opsyon ang inhibition sa impeachment trial dahil kailangang bumoto ang mga senator-judge bilang isang collegial body.

Nilinaw din ng kongresista na kung palaging ipa-i-inhibit ang bawat senator judge, mababawasan ang mga ito at hindi na aayon sa itinatakda ng Saligang Batas na kailangang two thirds ng senador ang dapat na bumoto.

Ito ang ipinahayag ni Umali makaraang maghain ng motion for inhibition ang depensa laban naman kay Senator-judge Franklin Drilon kahapon sa ika-pitong araw ng paglilitis.

Ayon naman kay prosecution spokesman Rep. Romero Quimbo, walang basehan para pilitin ang depensa na mag-inhibit si Drilon o kung sino man sa senador dahil ang pagtatanong nila ay alinsunod lamang sa panuntunan ng Senate Court.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply