Senator judges nagtalo sa pagsasapubliko ng ebidensiya

NAGKAROON ng bahagyang pagtatalo ang ilang senator-judges sa isyu ng pagsasapubliko ng mga ebidensiya sa impeachment proceedings.

Sinabi ni senator-judge Joker Arroyo habang nakatayo, na kailangang paalalahanan ang prosekusyon at depensa sa paglalahad ng mga merito ng kaso sa taumbayan.

Tumayo rin sina sina Sens. Panfilo Lacson, TG Guingona at Allan Peter Cayetano at ipinaliwanag ang kahalagahan at limitasyon ng pagbubukas sa publiko ng proceedings, pati na ng mga tinatalakay na ebidensiya at dokumento.

Sumang-ayon naman si presiding judge Juan Ponce Enrile kay Arroyo at sinabi na kailangang irespeto ng magkabilang panig ang umiiral na panuntunan ng Impeachment Court.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply