Senator-judges ‘wag munang makipagpulong kay PNoy

HINDI muna dapat makipagpulong ang mga senator-judge sa Malakanyang habang gumugulong pa ang impeachment trial kay Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Father Joe Dizon, lead convenor ng grupong Solidarity Philippines, ito ay upang hindi pagdudahan ng taumbayan ang magiging desisyon ng mga senator-judge sa naturang kaso ng punong mahistrado.

Sinabi ni Dizon, na hindi maiwasan na magduda ang publiko sa mga senador na nakikipag-usap kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III lalo pa’t nagsimula na ang paglilitis kay Corona.

Bagama’t prerogatiba ito ng mga senador, sinabi ni Dizon na mas mabuting dumistansya na muna ang mga ito sa Pangulo upang hindi pagdudahan ang kanilang kredebilidad oras na magbotohan na ang mga ito sa kaso.

Nauna rito, sinasabing bago ang pagdinig ay nakipagpulong muna sa Malakanyang sina Senador Edgardo Angara, Franklin Drilon at Peter Cayetano na kaagad namang binatikos ng mga kritiko ni Pangulong Aquino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply