Senators magpupulong sa impeachment trial

PLANO ng Senado na magsagawa ng all senators caucus sa pagbubukas ng sesyon sa Enero 16 para pag-usapan ang magiging takbo ng paglilitis sa impeachment complaint laban kay Chief Justice Renato Corona.

Kasunod ito ng isinulong na pre-trial conference upang mapabilis ang paglilitis sa kaso ni Corona.

Kapwa pahaharapin ang prosecution at defense panel kapag inaprubahan ng mga senator-judges ang pre-trial conference na irerekomenda ng Senate secretariat sa pangunguna ni Senate Secretary Emma Lirio Reyes.

Tutukuyin agad kung aling argumento ang tatalakayin at ebidensya at mga testigong ihaharap ng prosekusyon at depensa.

Sa pamamagitan nito, magiging dire-diretso ang proseso at hindi magiging maligoy na maaaring sanhi ng mga sorpresang ebidensya at testigo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply