Sendong survivor nagpakamatay

NAGPATIWAKAL sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili ang isang nakaligtas sa pagragasa ng bagyong Sendong.

Base sa 6:00 am update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong Sabado, Enero 7, kinilala ang nasawi na si Roy Navarro, 33, na pansamantalang nananatili sa City Central School evacuation center sa Cagayan de Oro City.

Navarro “committed suicide by stabbing himself [last Friday],” ayon sa pahayag ng NDRRMC.

Hindi naman idinetalye ng ulat ng NDRRMC kung anong dahilan ang nagtulak kay Navarro upang magpakamatay.

Hindi naman isinama ng NDRRMC ang pangalan ni Navarro sa death toll sa kanilang 6 a.m. update kung saan pinakahuling naitala ang nasawi sa bilang na 1,257 at 4,663 sugatan habang 169 naman ang nawawala.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply