Sendong Victims makalilipat na sa permanent housing– DSWD

MATAPOS ang mahigit isang buwang pamamalagi sa evacuation centers ay makalilipat na sa Miyerkules  (Enero 25) ang unang apat na pamilyang biktima ng bagyong Sendong sa kanilang permanenteng tahanan sa Cagayan de Oro City.

Ayon kay Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman, naitayo na ang ilang bahay sa Barangay Calaanan, CDO na titirhan ng mga biktima kaya maaari na silang lumipat  sa nasabing araw.

Inaasahan namang 300 pamilya pa ang maililipat sa peramnet housing sa mga huling araw ng buwan ng Pebrero sa bahagi ng Iligan at CDO.

Habang ang nasa tent city ay inaasahan ding makalilipat na sa unang linggo ng buwan ng Abril sa nasabi ding lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply