Senglot nanghabol ng saksak, 4 katomaan utas

APAT katao ang namatay nang pagsasaksakin ng kainuman na nawala sa sarili bunga ng sobrang kalasingan sa Quezon City kaninang madaling-araw.

Pawang idineklarang dead on arrival sa East Avenue Medical Center (EAMC) sanhi ng tinamong saksak sa iba’t ibang parte ng katawan sina Rodolfo  Galagatic, 52; Sergio dela Rosa, 47; Roberdo Gardoze, 31 at isang hindi pa kilalang biktima na taga-Sitio San Roque, Barangay Pagasa, Quezon City.

Tinutugis naman upang panagutin sa krimen ang suspek na si Roberto Eskorky, nasakapitbahay ng mga napatay na biktima.

Sa ulat ni SPO1 Renato Remedio, desk officer ng Masambong Police Station 2, naganap ang insidente alas- 4:00 ng madaling araw sa gilid ng kalsada sa Sitio San Roque.

Bago ito, dakong 7 nitong Huwebes nang simulan ng magkakaibigan ang inuman na sinundan ng payabangan sa kantahan ng viodeke.

Pero nang makalaklak na ng ilang bote, nagtalo ang mga magkakaibigan at basta na lamang naglabas ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang kanyang mga kainuman bago sumuray na tumakas sa hindi malamang direksyon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply