Service crew ng McDo binaril ng sumpak

KRITIKAL sa ospital ang isang service crew ng food chain matapos itong malapitang barilin ng improvised shogun o sumpak ng hindi pa nakikilalang suspek na nakaalitan nito sa loob ng isang beerhouse kaninang madaling-araw sa Brgy. Potrero Malabon City.

Nakaratay at ginagamot sa Fatima Medical Center sanhi ng tama ng shrapnel ng shotgun sa kanang bahagi ng balakang si Jayson Lopez, 25, crew ng McDonald’s sa nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw ng magkaroon ng pagtatalo ang dalawa sa loob ng Triangulo Bar sa McArthur Highway Potrero.

Nabatid na pumasok sa nasabing bar ang biktima at dalawa pang kaibigan nito at nakatabi sa mesa ang dalawang suspek at sa hindi malamang kadahilanan ay nagkaroon ng alitan.

Habang palabas at pauwi ang biktima ay naglabas ng sumpak ang suspek at malapitan itong pinaputukan saka mabilis na tumakas sa kahabaan ng Del Monte Avenue.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman ang motibo sa nasabing pamamaril habang isang manhunt operation ang inilatag ng pulisya laban sa nasabing suspek. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply