Shabu den sinalakay sa Cavite; 4 arestado

SINALAKAY ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang drug den sa Damariñas Cavite kaninang tangahali,

Sa ginawang drug operation ng PDEA, apat ang naaresto makaraan salakayin ang dalawang bahay na pinamumugaran ng drug pushers at addict.

Nakuha pa ng mga awtoridad ang humigit kumulang sa P100,000 halaga ng shabu na tinangka pang i-flash sa inodoro ng mga suspek.

Kabilang sa mga naaresto ay kinilalang sina Anceli Dayrit, Luis Olaes, Eddie Santo Domingo at Reggie Peñalosa.

Ang suspek ay dinala ng mga tauhan ng PDEA sa kanilang tanggapan upang sampahan ng kaukulang kaso pati na ang mga ebidensyang nakuha sa ginawang pagsalakay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply