Shabu lab sa Caloocan sinalakay ng pulisya

SINALAKAY ng pinagsamang puwersa ng Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force at Caloocan Police ang shabu lab sa Caloocan City kaninang umaga.

Milyong halaga ng chemical, aparato sa paggawa ng shabu ang nasamsam sa shabu lab sa Diamond st., Kaybiga na pag-aari nina alyas Chua at alyas Sy.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na ginawang shabu lab ang nasabing lugar na naging dahilan upang manmanan nila.

Nang makumpirma ay kumuha ang mga pulis ng search warrant kay Judge Fernando Sagun Jr., Executive Judge ng Quezon City.

Dakong 11 ng umaga, sinalakay ng mga pulis ang nasabing lugar subalit walang
nadatnan na tao.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis upang madakip sina Chua at Sy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply