Shabu tiangge sa Laguna ni-raid; 59 timbog

NADAKIP ang 59 katao habang nakasamsam din ng mga ipinagbabawal na droga, at mga armas ang pinagsanib na puwersa ng pulisya sa ginawang pagsalakay sa sinasabing shabu “tiangge” sa  Biñan, Laguna kahapon (Enero 27) ng umaga ayon sa tagapagsalita ng Philippine National Police.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz, Jr., bandang alas-5:30 ng umaga ay isinilbi at ipinatupad ng PNP Region 4  at Laguna Provincial Police Office ang 30 search warrant na ipinalabas ni Hon Judge Jason D Julian, 2nd Municipal Trial Court, 4th Judicial Region Magdalena, Laguna.

Target ng pagsalakay ang mga hinihinalang shabu tiangge sa  Garcia Subdivision at Sitio Kabulusan Barangay San Antonio, Biñan City.

Sa impormasyong isinumite ni P/SrSupt  Gilbert Cruz, Laguna police provincial director, umabot sa 59 katao ang naaresto habang nakumpiska sa kanilang pag-iingat ang may 62 heat sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, 94 heat sealed plastic sachet na naglalaman ng died marijuana fruit leaves, drug paraphernalia, Indian pana, dalawang caliber 38 revolver, sumpak at 22 caliber na paltik.

Isinailalim sa drug test sa PNP Regional Crime Laboratory 4A ang mga arestado habang ang mga nasamsam na droga ay dinala sa Laguna Provincial Laboratory, Laguna PPO para sa pagsusuri.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply