Shellfish ban sa 8 bayan sa Bataan nananatili

NANANATILI pa rin ang shellfish ban sa ilang baybayin sa Bataan dahil sa banta ng red tide toxin.

Sa shellfish bulletin na inilabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), positibo pa rin sa red tide toxin ang mga baybayin ng walong bayan ng Bataan na kinabibilangan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal.

Kasama rin sa shellfish ban ang Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Occidental, at Masinloc Bay sa Zambales.

Ayon kay BFAR Director Asis Perez, bawal hanguin, ibenta at kainin ang mga shellfish, gaya ng tahong, talaba at alamang na magmumula sa mga nasabing lalawigan.

Ligtas namang kainin ang mga isda, pusit, hipon at talangka basta lilinising mabuti at aalisan ng lamang loob gaya ng hasang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply