Shoot to kill order sa pinsan ng ‘torture cop’

INIUTOS ngayon ni Manila Mayor Alfredo Lim ang shoot to kill order laban sa isang pulis sa National Capital Regional Office (NCRPO) na nasa likod ng pangho-holdap at pagpatay sa isang Chinese national noong nakalipas na Enero 11, sa Binondo, Maynila.

Ito ay matapos na ituro ng mga testigo si PO1 Ernesto Binayug Jr, 28, nakatalaga sa RPSB-NCRPO, na nanguna at nagplano sa panghoholdap sa pamilyang Hsu, kung saan napatay si Heidi Hsu, 28 at ikinasugat ng kapatid nito na si Herbert at amang si Tony.

Ang suspek ay pinsan ng tinaguriang “toruture cop” na si Insp. Joselito Binayug.

Ayon kay Lim, mabuti aniyang sumuko na lamang si Binayug kaysa manlaban pa ito sa mga operatiba dahil lalo lamang malalagay sa peligro ang kanyang buhay dahil sa ipag-utos na “shoot to kill” laban sa kanya.

Nakunan ng CCTV ang insidente at positibong kinilala na kasama ito sa grupo na bumaril sa pamilya ng Tsinoy.

Itinuro rin si Binayug ng isang testigo na kasama sa nagplano para holdapin ang pamilyang Hsu.

Bukod dito, ang grupo rin ni Binayug, ang unang nangholdap sa pamilyang Hsu noong nakalipas na Nobyembre 2011 sa kanilang tindahan ng sibuyas.

Nalaman na si Binayug ay may dalawang taon pa lamang sa serbisyo bilang pulis.

Patuloy naman ang mga tauhan ng MPD sa pagtugis kay Binayug at sa grupo nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply