Shooting ng ‘My Beloved’ ng GMA nagdulot ng masikip na trapiko

SUMIKIP at bumagal ang daloy ng trapiko kaninang umaga sa kahabaan ng Roxas Boulevard kung saan maraming motorista ang nadismaya dulot ng walang abisong shooting ng bagong television soap ng GMA-7 na “My Beloved.”

Umabot ang pila ng mga sasakyan sa paglabas pa lamang ng Coastal Road patungo sa gawi ng Maynila habang nasa Quirino Avenue naman ang pila ng mga sasakyan na patungo sa gawi ng Parañaque matapos isara ang bahagi ng Buendia flyover kung saan ginawa ang maaksiyong eksena sa pelikula na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Sinisi naman ng mga motorista ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa kawalan ng maagang abiso sa pagsasagawa ng shooting na unang inakala ng mga motorista na eksena sa banyagang pelikula na “The Bourne Legacy.”

Ayon sa naturang eksena, isang bus ang nahulog sa Buendia flyover habang nasa ibabang bahagi naman ng tulay ang tatlo pang sasakyan na nasira matapos mabagsakan ng kunwaring nahulog na bus.

Halos isang oras ang biyahe ng mga motoristang nagmumula sa Coastal Road patungo lamang sa bahagi ng Pasay habang mahigit isang oras din ang biyahe ng sasakyan na nagmula sa Quirino Avenue patungo lamang sa area ng Pasay City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply