Shortlist ng nabakanteng puwesto sa CA inilabas na

NAGLABAS na ng shortlist ang Judicial and Bar Council (JBC) para sa tatlong nabankeng puwesto sa Court of Appelas (CA).

Ang naturang shortlist ay nakatakda namang isumite kay Pangulong Benigno Aquino III para sa kanyang itatalaga.

Mula sa 13 mga pangalan ay kabilang naman ang sampung (10) mga hukom mula sa Regional Trial Court tulad nina Quezon City RTC Judge Ma. Luisa Padilla na nakakuha ng walong boto; Manila Chief Prosecutor Jhoseph Lopez at Assistant Solicitor General Amparo Cabotaje-Tang, Judges Severino De Castro, Renato Francisco at Edgar Santos na nakakuha ng tig-pitong boto.

Kasama rin sa shortlist sina Ma. Filomena Singh, Makati RTC Judge Selma Alaras at Las Piñas Judge Joselito Vibandor, Quezon City RTC Judges Henri Jean Inting na nakakuha naman ng botong tig-anim.

Habang sina Pampanga RTC Judge Jonel Mercado at Las Piñas RTC Judge Erlinda Nicolas-Alvaro ay nakakuha lamang ng tig-limang boto.

Pasok din sa listahan ang mga private lawyer na sina Rochelle Dakanay na nakakuha ng tig-limang boto.

Ang mga bakanteng pwesto sa CA ay kasunod ng pagreretiro nina CA Justices Rodrigo Lim at Mario Guarina III at bunsod ng pagkakahirang sa Korte Suprema ni Justice Estela Perlas-Bernabe.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply