Si Kris Bernal na ang bago ni Jolo Revilla!

NAGULAT kami nang biglang dumating si Kris Bernal sa reunion ng mga Revilla nitong New Year’s eve. Kaya pala hindi mapakali si Kapitan Jolo Revilla at panay ang tawag sa cellphone hanggang sa matapos ang putukan ay nagmamadali itong lumabas. Akala namin kung sino ng babae ang kanyang kasama habang papalapit sa amin, si Kris Bernal pala na agad namang bumati sa amin at sa ibang press na nakasaksi sa kanyang pagpunta sa mansion.

Agad namang nakiusap si Jolo sa press na, “Wala kayong nakitang Kris Bernal, ha?” Anyway, ipinakilala nito si Kris sa lolo n’yang si Don Ramon Revilla, Sr., sa kanyang mga tito at tita, gayundin sa magulang na si Sen. Bong at Rep. Lani. So far, mukhang boto ang pamilya Revilla sa dalaga. Maski si Gabb ay mahigpit ang yakap kay Kris.

Tinanong namin si Sen. Bong kung boto ba siya kay Kris Bernal para sa kanyang anak. “Oo naman. Siya na siguro ang babaeng makapagpapaligaya kay Jolo. Siyempre may mga babaeng niligawan ang anak ko pero ‘di nagtagal ang kanilang relasyon. Sa ginawang panliligaw niya, alam ko kung magiging seryoso siya sa isang babae.

“Nakikita ko namang mukha siyang seryoso kay Kris. Basta kung saan liligaya si Jolo, nakahanda akong sumuporta.”

Wala ring masabi si Rep. Lani kay Kris basta alam daw niyang mabait at magalang ito.

Anyway, ayon sa aming source, sinagot na ni Kris si Jolo nang araw na yon, kaya naman maganda ang taong 2012 para sa kanilang dalawa.

***

NAGBIGAY ng thanksgiving party si Gov. ER Ejercito sa tinamong tagumpay ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga sa Club Filipino kung saan ilang piling press ang naimbitahan sa okasyon. Bukod sa gwaping na gobernador, nandun din ang producer na si Ma’am Myleen ng Cinema Concept. Siyempre pa, pinasalamatan niya ang press people na siyang sumuporta sa kanilang pelikula. Natutuwa siya dahil naging pang-apat ang ranking ng Asiong Salonga at nakakuha ito ng labing isang award.

Pinagmalaki naman ni Gov. ER na binigyan ang movie nila ng parangal, ang Presidential Lingkod Bayan awardee 2011 dahil sa mga nagawa niya sa kanyang lalawigan sa Laguna. Pinagkaloob ito ni President Noynoy Aquino.

“Nagpapasalamat ako kay Pangulong Aquino sa award na binigay niya. Malaking karangalan ito sa Laguna. Ang tagumpay ko,” maemosyon niyang pahayag, “tagumpay na rin ng Laguna.”

Sinabi rin ni ER na humingi si Direk Tikoy Aguiluz nang despensa sa nangyari at napatawad na raw niya ang magaling na direktor at kinalimutan ang samaan nila ng loob. “Si Direk Tikoy uli ang magdi-direk ng ‘El Presidente.’ Depende ‘yun sa kanya kung tatanggapin n’ya uli na idirek ang pelikula. Kung ayaw, maraming gustong idirek ang El Presidente. Maski si Direk Mario O’ Hara nag-offer.”

***

NAKALOLOWKA ang isang girlas na teevee host ng isang noontime show. Pagkatapos niyang kinasal sa isang non-showbiz boyfriend, imbes sa sikat na hotel sa Makati gawin ang lafangan, umiral ang pagiging kuripot ng girlas na itis. Para makatipid, um-order na lang sa hotel ng lafang at sa balay ginawa ang kainan.

Siyempre, walang nagawa ang bisita, gayundin ang kanyang jowa kundi sumang-ayon na lang. Hindi alam ng jowa na kuripot at natmaku ang kanyang dyowa. Hanggang ngayon, di sumikat-sikat itong girlas na teevee host dahil sa kanyang “attitude.” Nagkaroon din ito nang relasyon sa isang sikat na teevee host/producer/comedian. Kaso, di nagtagal ang kanilang relasyon na balak sana siyang pakasalan nito dahil mukhang nabuking yata ang kanyang ugali kaya iniwan siya.

Dapat lang ‘noh?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply