Si Lucky ang magdedesisyon… ‘di si Ate Vi

SA NAKARAANG PMPC induction of officers held at RJ Bistro, Timog, naitanong kay Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang tungkol sa relasyon ng anak na si Luis Manzano kay Jennylyn Mercado. Tipong kung nag-uusap ba sila ng future manugang-to be sa ilang bagay-bagay tungkol sa kanyang anak?

“Oo naman,” agad niyang sagot.

Iba ang dating ng ilang press people sa sagot noon ni ate Vi nu’ng matanong ito regarding Luis-Jennylyn relationship before. Ang sinabi ng Star for All Seasons na, “Kung saan masaya ang anak ko, doon ako.”

Pinalalabas na hindi ito boto kay Jennylyn kundi sa nauna nang si Angel Locsin for her son Luis.

“Wala sa bokabularyo ko ang boto-boto,” sagot ni Ate Vi sa akala nang nakararaming boto siya kay Angel over Jen.

“Dahil hindi naman ako ang makikisama. Kahit sino pa siya at ginusto ng anak ko, masaya ako for him at wala yung boto-boto,” ulit muli ng multi-awarded actress.

Nilinaw din ng Star for All Seasons na wala rin itong panghihinayang na si Jennylyn at hindi si Angel ang nakarelasyon hanggang ngayon ng anak.

“Hindi ako para manghinayang e. Kung alam kung hindi puwede, andon na ako. In fact, ako pa ang nagsabi noon sa anak ko na, if it’s not meant, it’s not meant. Mature na si Lucky at siya ang ang magdedesisyon sa sarili niya… Hindi ko pakikialaman, basta ang alam niya nanay ako at nagga-guide sa kanya,” pahayag ng aktres sa anak.

—@@@—

TALAGANG malayo na ang narating ng “Showtime” mula sa pagiging isang talent show. Napauso nito ang mga salita at mga pakulo na bahagi na ng araw-araw nang mga Pilipino, napagsama-sama ang mga gustong magpasikat at lumaban sa talent show, at pinasaya ang mga manonood.

Dahil sa programa, mas napalapit sa masa ang hosts na sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Vice Ganda, ‘Kuya’ Kim Atienza, Billy Crawford, Karylle, Jugs Jugueta at Teddy Corpuz at ang mga hinahangaang artista, negosyante, modelo at atleta na nagsilbing hurado sa napasikat na ‘sample’ segment, kung saan talagang bigay-todo sa pagpapakitang gilas mapa-artista man o ordinaryong tao para magbigay-aliw sa ‘madlang people’ sa studio at mga tahanan.

Patunay rin ng kasikatan ng talent-variety program ay ang pagpapauso nito ng mga salitang ‘madlang people’ at ‘unkabogable.’ Sa katunayan, mistulang pabrika ito ng mga hirit, gaya na lamang ng ‘may nag-text,’ ‘madlang people,’ ‘unkabogable,’ ‘party -party,’ ‘Baliwag University’ at pati na ang terms na ‘waley’ at ‘havey’ na ginagamit na ng karamihan sa pakikipag-usap.

Sa nakalipas na apat na season, inilunsad nito ang karera ng dance groups na XB Gensan, ang kampeon ng Season 1, Laoag City Gymnastics Group ng Season 2, True Colors ng Season 3, at Astig Pinoy ng Season 4 na hindi lamang nag-uwi ng karangalan at gantimpala para sa kanilang mga barangay ngunit nagbunsod din ng pagkakaisa at damayan sa mga ito.

Hangga’t nariyan ang entablado ng Showtime, hindi mauubusan ng mga nakakaantig na kwento ng pangarap at pag-asa ng mga taong nagtitiyaga makamit lamang ang kanilang pangarap. Ika nga, ‘it’s your show, it’s your time,’ kaya ikaw ang bida rito. Para sa walang patid na saya, manood ng Showtime Lunes hanggang Biyernes tuwing umaga pagkatapos ng Kris TV at pagkatapos ng Three Brothers tuwing Sabado sa ABS-CBN.

—@@@—

SA SECOND week na ang airing ng bagong talk show na ipapalit sa mawawalang E-Live. Wala pang binibigay na titulo pero ang tsika sa amin ng aming source, ang nasabing bagong talk show ay pagsasamahan nina Carmina Villarroel, Janice de Belen at Joey Marquez with Ogie Diaz.

Ibang talk show ito, dealing with celebrities’ normal life sa industriya. Kumbaga, usapang may kirot sa puso o kaya’y interbyuhang puso-sa-puso.

Abangan kung mayayanig ba ang “Startalk” sa bagong talk show ng Kapamilya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply