Si Vice lang ang nakaaalam na may gap sila ni Ai-Ai!

PAANO nga ba nagsimula ang gap nina Ai-Ai delas Alas at Vice Ganda? Pag si Ai-Ai ang tatanungin mo wala siyang idea kung ano ang ikinakagalit ni Vice sa kanya. Napa-puzzle nga rin siya kung ano ang sama ng loob ni Vice.

“Hindi ko alam. God Bless you more,” ang sagot na lang ni Ai pag tinatanong siya sa isyu.

Basta base sa sinulat ni Ricky Lo, saktong nagkita si Ai-Ai at ang grupo ni Kris Aquino sa Manila Peninsula. Sina Kris, Liz Uy, Vice, etc ay galing sa special screening ng “Segunda Mano.”

Si Ai-Ai naman ay galing sa charity work kasama ang mga anak niya. December 25 ‘yun.

May nakapansin na bukod tanging si Vice lang ang hindi bumeso kay Ai-Ai.

Kakaloka nga dahil Paskung-Pasko at galing sa pag-share ng blessings si Ms. A tapos may eeksena sa kanya at magmamaldita. Hindi nga namalayan ni Ai-Ai na inisnab siya ni Vice hanggang lumabas na lang kay Ricky Lo.

Inamin naman ni Vice sa “The Buzz” na inisnab niya ang Comedy Concert Queen na si Ai-Ai de las Alas.

“Totoo pong nangyari ‘yon na hindi po kami nagpansinan ni Ms. Ai-Ai sa isang lugar. Di kami nagpansinan, di ko siya pinansin, di niya ako pinansin at walang pansinang naganap kasi mayroon po kaming pinagdadaanan.”

“Mayroon po kaming isyu na kinakailangang maresolba at nawa’y maresolba sa takdang panahon.

“Pero hindi porke’t isang beses kong hindi pinansin si Ms. Ai-Ai ay bastos na ako. Gusto kong linawin na mayroon po kaming problema ni Ms. Ai-Ai at ‘yun ang dahilan kung bakit naganap ang sitwasyon na yon. Mayroon kaming problema at ina-acknowledge ko po ‘yon. At kung mayroon akong taong na-offend sa pangyayaring ‘yon eh humihingi po ako ng tawad kung na-offend kayo at di n’yo nagustuhan ang pangyayari. Mayroon po kaming problema at ako po ay nagpapakumbaba sa mga hindi nagustuhan ang pangyayaring ‘yon. Naniniwala ako sa takdang panahon ay mauunawaan ninyo kung bakit nangyari ‘yon… sana sa takdang panahon ay magkaroon ng resolusyon ang problemang ‘yon,” sey ni Vice sa The Buzz.

Ang nakakalukring si Vice lang yata ang nakakaalam ng “sama ng loob” na yun dahil walang kalaam-alam si Ai-Ai.

-0o0-

NAGSALITA na ang legal counsel ni Janelle Manahan na si Atty. Argee Guevarra sa nag-upload ng scandal video ng kanyang kliyente kasama ang yumao nitong boyfriend na si Ramgen Revilla.

Ang naturang video ay naglalaman ng personal file ng dalawa para sa kanilang intimate moment sa bathroom. Nagkalat ngayon ito sa internet.

Nakakikilabot panoorin dahil grabe ang mga eksena.

Ayon kay Atty. Guevarra, ang video ay sumisimbulo sa “second assassination” ni Ramgen at “second frustrated murder” ni Janelle. Pinaratangan din ng abogado ni Janelle ang pamilya Bautista na siyang pasimuno at utak diumano nito.

“Absurd” ang sagot naman ng abugado ng mga Bautista sa pagturo sa pamilya ni Ramgen. Ayon kay Atty. Jeffrey Gepte, “It‘s absurd (to blame the family) because it‘s a private matter between Ramgen and Janelle…”

Sana lang ay ‘wag nang ikalat ang naturang video dahil kawawa naman si Janelle at respeto na rin sa namatay na si Ramgen.

-0o0-

ISANG malaking havey ang gagawin ni Allan K sa Zirkoh Tomas Morato sa Sabado, January 7. Pangungunahan niya ang “The Lucky 12, Bonggang Pasabog sa 2012” kung saan ay kasama sina Gladys Guevarara, Carlo Aquino, Gerald Santos, Joseph Bitangcol, Luningning, Faith Cuneta, Boobsie at mga regular hosts ng Zirkoh na sina Arnell Tamayo, Romel Chika, Rufa Mi, Michelle Bombshell atbp. Ang ticket ay mabibili na sa SM Ticketnet. Tumawag sa 7100352, 09215498931 para sa ibang detalye.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply