Si Wiedemer at mga mayan-2

AKO’Y naniniwala sa prediksyon ni Robert Wiedemer na nagsabi sa bago niyang libro na “Aftershock: Protect Yourself and Profit in the Next Global Financial Meltdown.”

Ang librong ito ay hinggil sa hula ni Wiedemer na muling mararanasan ng buong mundo ang financial meltdown na mas matindi pa kaysa sa nangyari noong 2008.

Sa mga hindi pa nakaaalam, si Robert Weidemer kasi ang siya ring nag-predict noong 2006 na babagsak ang ekonomiya ng maraming mga bansa, kasama na nga ang Estados Unidos.

Dalawang taon lang ang lumipas at nangyari nga ang sinabi ni Wiedemer at hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakababangon ang mundo sa global meltdown na iyon.

Sa bagong librong ito ni Wiedemer na sinabi niya na mas magiging malupit ang resulta nang ikalawang bugso ng pagkabangkarote nang ekonomiya nang mga mayayamang bansa.

Kung matutupad ang analysis niya ay parang gusto ko nang maniwala na talagang totoo ang hula nang mga Mayan.

Kung patuloy kasing maghihirap ang mga bansa ay malaki ang posibilidad na magresulta ito sa pag-aaklas ng mga mamamayan.

Dahil dito ay mao-obliga ang mga lider ng malalaki at mayayamang bansa na pumasok sa giyera para madagdagan ang resources nila at masiguro na patuloy na mabuhay ng maayos ang kanilang mga mamamayan.

Kaya nga hindi nakapagtataka ang ginagawa ng People’s Republic of China sa Spratlys na kung saan ay pumapasok sila kahit sa teritoryo ng bansa natin.

Ang tawag doon ay provocation para magkaroon ng dahilan kung sakali at gusto nilang pumasok sa giyera.

Tuloy rin ang girian ng US at Iran na kung saan ay nagbanta ang huli na isasara ang Strait of Hormuz kung itutuloy ng Amerika ang sanctions laban sa kanila.

Ang mga agam-agam na ito ang dahilan ng patuloy na kalituhan sa iba’t ibang bansa na sa huli ay maaring magresulta sa totohanang giyera na tatawaging World War 3.

At pag may giyera, siyempre malamang na roon na nga matatapos ang kasaysayan ng sangkatauhan at sa wakas ay matutupad ang hula ng mga Mayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply