Si Wiedemer at mga mayan

KAMAKAILAN lang ay tinalakay ko sa kolum na ito ang prediksyon ng mga Mayan na naniniwalang magtatapos daw ang mundo sa Disyembre 21, 2012.

Nagkataon kasi na ang araw na iyan ang sinasabing magkakaroon ng alignment  ang mga planeta pero sinasabi naman ng mga eksperto na wala namang epekto sa pag-ikot ng mundo kahit pa maganap ang phenomenon na iyon.

Iyong iba ay naniniwala na magwawakas ang mundo dahil sa pagbagsak ng isang napakalaking asteroid.

‘Yong iba naman ay naniniwala sa pagsabog ng super volcano gaya ng Yellowstone Park sa Amerika ang tatapos sa daigdig.

Hinuhulaan naman ng iba na magkakaroon ng solar flares o solar storms at iyong iba naman ay nagsasabi na magugunaw ang mundo dahil sa malalakas na lindol na magdudulot ng mga malalakas na tsunami.

Bagamat may posibilidad na maganap ang alinman sa mga ito, higit akong naniniwala sa prediksyon ni Robert Wiedemer na nagsabi sa bago niyang libro na “Aftershock: Protect Yourself and Profit in the Next Global Financial Meltdown.”

Ang librong ito ay hinggil sa hula ni Wiedemer na muling mara-ranasan ng buong mundo ang financial meltdown na mas matindi pa kaysa sa nangyari noong 2008.

Sa mga hindi pa nakaaalam, si Weidemer kasi ang siya ring nag- predict noong 2006 na babagsak ang ekonomiya nang maraming mga bansa kasama na nga ang Estados Unidos.

Dalawang taon lang ang lumipas at nangyari nga ang sinabi ni Wiedemer at hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakakabangon ang mundo sa global melt-down na iyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply