Sid at Glaiza panay ang deny, buking naman!

NA-LINK si Sid Lucero kay Glaiza De Castro. Although dinedenay nila ang bagay na ito.

Posible ba na magustuhan ni Sid si Glaiza?

“Yes, there’s a possibility,” ang tumatawang sinabi ng aktor.

Physically ay ano ang gusto niya kay Glaiza, ang sagot ng aktor ay…

“Physical? I can say package deal siya pero ang umaagaw ng pansin sa akin, lalo ngayon, ayan, ay legs.” At muling tumawa si Sid.

Sa ugali naman raw ay pinakagusto niya ang …

“Ever since before kasi nakatrabaho ko na siya tapos madali talaga siyang makausap. And like… kausapin mo siya, mag-open-up ka lang sa kanya siya na yung magtutuloy ng lahat.

“So it’s really ano, engaging siyang makausap and ever since then, we’ve been good friends.”

Pagkatapos ng “Amaya,” mapapanood naman sa bagong serye ng GMA na Legacy si Sid na magsisimula sa January 16 kasama sina Heart Evangelista, Geoff Eigenmann, Lovi Poe, Alessandra De Rossi at Mike Tan.

-0o0-

NAGING isyu ‘yung hula na mabubuntis ni Coco Martin si Kris Aquino. Sa presscon ng bago niyang serye na Walang Hanggan na magsisimula sa January 16 sa ABS-CBN 2 ay inurirat si Coco kung ano ang reaksyon niya sa sinabi ni Kris na maghanda siya.

Nagbibiro lang daw si Kris na kung tawagin niya ay Ate.

“Ang tingin nga ng pamilya niya sa akin ay kapamilya na. Aabot pa ba kami doon? Kumbaga sobra ang respeto ko sa tao at sa pamilya niya.

Sa tingin ko di mangyayari ang ganoon.

“Napakalaking imposible. Respeto na lang po kasi ang tingin ko sa kanila ay pamilya. Sa akin walang dahilan para matakot, bakit naman? Kumbaga pare-pareho lang tayo, pero ayaw kong masira ang tiwala niya at tiwala niya ng pamilya niya sa akin na sasamantalahin ang oportunidad o pagkakataon,” deklara pa niya.

Pero naniniwala siya na walang pinipili sa pag-ibig kahit bata ka o matanda dahil sa agwat ng edad nila ni Kris.

Anyway, excited siya sa bago niyang serye na Walang Hanggan kung saan ay malalaking artista ang kasama niya gaya nina Richard Gomez, Dawn Zulueta, Susan Roces, Helen Gamboa at unang pagtatambal nila ni Julia Montes.

First time ni Coco na gumawa ng purong love story.

“Bagong challenge ito para sa akin kaya naghanda ako. Nanood ako nang nanood ng mga love story movies. Abangan n’yo kami dahil talagang ma-i-in love kayo,” aniya.

“Kasi ‘di ba ‘yung mga last na soaps ko medyo kontrabida, barilan, heavy drama. “Ito, this time, susubukan ko naman magpa-in-love,” dagdag pa niya.

Bubuo sa ‘powerhouse cast’ ang mga mahuhusay na artistang sina Rita Avila, Melissa Ricks, Joem Bascon at Paulo Avelino; kasama pa sina Eddie Gutierrez at Joel Torre sa kanilang natatanging pagganap. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Jerry Lopez Sineneng at Trina Dayrit.

-0o0-

MATAPOS linawin ni Cagayan Rep. Jack Enrile ang kanyang pangalan tungkol sa matagal nang issue na diumano’y may kinalaman siya sa pagkamatay ng dating Regal baby na si Alfie Anido may 30 taon na ang nakararaan.

Si Jack naman ay anak ni Sen. Juan Ponce Enrile, pamangkin ni Armida Siguion-Reyna at kapatid ni Katrina Ponce Enrile na rumored girlfriend ni Alfie Anido noong time na namatay ito.

May malasakit siya sa entertainment industry at gusto niyang tutukan ang tax exemption para mas makabuwelo sa pagpo-produce ng mas maraming pelikula ang mga producer.

Balak ba niyang mag-produce ng pelikula?

“Pag-aaralan ko po ‘yan. Why not, eh, mahilig din naman tayong manood ng pelikulang Tagalog,” deklara niya.

Back to work siya agad pagkaraan ng holiday seasons at ang isinusulong niya ngayon sa Department of Education (DepEd) ay ang paggamit ng e-learning models para matulungan ang out-of-school youths (OSYs) na makapagtapos ng high school at magtamo ng diploma para makapagpatuloy sa kolehiyo at makahanap ng magandang trabaho.

Dahil sa panahon nga raw ngayon na may internet shops kahit sa mga rural areas, madaling makakapag-aral ang mga kapuspalad kung magiging on-line ang mga kurso dahil mas affordable raw ito kumpara sa napakataas na tuition.

Sey pa ni Rep. Enrile, mas marami ang makikinabang kung ang mga vocational course tulad ng breadmaking, sewing or welding ay maituturo online.

“Tuition for these courses in vocational schools are inexplicably high and are normally out of reach of ordinary students who want to acquire skills that will land them well-paying jobs here and abroad,” pahayag ni Enrile.

Koreeek!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply