Sid Lucero sumisisid nang walang tubig

IBANG-IBA raw ang dating ngayon ni Sid Lucero. Minsan daw dumarating ito sa taping na lulugo-lugo, parang puyat na puyat at bigla na lang magda-dive sa upuan at sabay hilata.

Kapag gigilingan na ng kamera, sumasakit ang mata, batok at buong katawan ng camera man dahil paulit-ulit daw ang eksenang ginagawa nito. Hindi raw kasi diretso ang dela, este, dila kapag nagda-dialogue at nakalilimutan pa ang sasabihin.

Hindi namin alam kung may pinagdadaanang problema itong aktor na ito na super galing pa namang umarte, eh, wala naman siyang dapat problemahin.

Ang dapat na mamroblema ay ang half-sister niyang si Andi Aigenmann dahil nanganak itong walang tatay ang baby niya. Paano niya bubuhayin ang batit sa sarili niyang kayod?

Anyway, tsismis lang naman ito. Aalamin pa natin kung totoo ito. Ating itatanong sa mga batakero kung umiiskor nga ba sa kanila ang poging aktor. Hahaha!

***

Cong. Romulo at Kon. Soledad nakalimutang mag-imbita

HOW true, dahil sa sobrang excitement daw ng ikakasal na sina Cong. Roman Romulo at Konsehal Shalani Soledad ay nakalimutan nilang mag-imbita?

Pinaplano pa lang ang kasalan ay marami na raw pinagsabihan ang dalawa na dumalo sa kanilang wedding day. Pero nagtataka ang mga na-OPM (oh, promise me) kung bakit walang imbitasyong dumarating sa kanila gayong malapit na ang seremonya.

Iyon naman pala ay meron ditong naka-assign na siyang magpapalaganap ng imbitasyon.

Ang problema naman, sinu-sino raw ba ang mga iimbitahin? Hindi kasi knows nang natokahan kung sino ang kanyang padadalhan ng kalatas.

Hehehe!

Well, ang mahalaga tuloy na tuloy na ang kasalan sa January 22 ba? Bahala na kung walang kakain ng handa.

Congratulations and best wishes kina Congressman at Councilor!

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply