Sigang towing trucks ni Mark Calixto sa Pasay (2)

HALOS isang buwan nang nambibiktima ang mga towing truck na wala umanong prankisa sa Pasay.

Kaya payo ko sa mga naging biktima, magsadya kayo agad sa tanggapan ng MMDA o LTO para magsampa ng kaukulang reklamo laban sa naturang towing company. Magtungo rin kayo sa Traffic Management Group o
Highway Patrol Group sa Camp Crame para sa pagsasampa ng iba pang kaso.

***

Siyanga pala, gaano katotoo ang nabalitaan natin na si Mark Calixto na rin daw ang kinikilalang “amo” ng Pasay Traffic and Parking Management Office at hindi na itong si Moti Arceo, ang sinasabing “kanang-kamay” ni Mayor Calixto.

Ito raw ang dahilan kung bakit sa mga araw ay naghihimutok itong si Arceo at panay ang pagbulalas ng sama ng loob sa mag-amang mayor!

May nakapagsabi sa akin na “intelihensiya” raw ang puno’t dulo ng usaping ito. Kung dati’y kontrolado lahat ni Moti ang ukol sa traffic, ngayon ay hindi na.

Kay Mark na raw lahat nagre-report ang mga traffic enforcer na may paniket, maging ang mga na-assign sa iba’t ibang parking areas sa lungsod.

May kalakaran kasi sa Pasay City pagdating sa enforcers at parking fee collectors na kargado ng TCT. May “boundary” raw ang mga ito kada araw. Halagang P300 sa enforcer samantalang P100 naman sa parking fee collectors. Magdamag ang shifting ng mga ito kaya’t isipin n’yo na lamang kung ilan silang nag-iingreso.

Kung inyong mapupuna, madaling-araw na ay may makikita pang traffic enforcers na nanghuhuli sa iba’t ibang lugar sa Pasay. Dahil po ‘yan sa sinasabi nilang “boundary.”

Maniniwala ba kayo na umaabot sa P30,000 araw-araw ang kabuuang boundary ng mga traffic enforcer sa lungsod? Ayon ito sa isa sa mga enforcer na galit dito kina Mark Calixto at Moti Arceo!

Hindi pa kasali rito ang mahigit sa P2 milyong “intelihensiya” na kita kada buwan mula sa mga kolorum at illegal terminal ng mga bus, dyip, FX at van sa buong Pasay!

Sino ngayon ang may kontrol sa illegal terminals na ito?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply