Silang pinaghiwalay ng pangit na pagkakataon!

SHOWBIZ man o hindi, talagang naging controversial ang nagdaang taon. But we will leave the non-showbiz items to non-showbiz writers. Sa amin na ‘tong mga shocking news sa showbiz.

Uunahin na natin yung mga break ups na pinag-usapan nang matagal dahil sa hindi kagandahan ang mga ito. Kumbaga, these stories left an ugly mark dahil mismong yung mga pangyayari ay talaga namang pangit alalahanin.

Pinakapinag-usapan na yata yung break up nina Piolo Pascual at KC Concepcion.

Paiyak-iyak na puno ng kadramahan ang pagharap ni KC sa isang interview. Sa tingin ng marami, sinadya ni KC ang magmukhang kawawa at isang demolition drama ang ginawa niya. Sa tindi ng sakit na dulot ng di pagpansin sa kanya ni Piolo, nagmistulang isang paghihiganti ang drama ng anak ni Sharon Cuneta.

In a way, this affected Piolo, pero pinangatawanan na lang niya na ‘wag nang sumagot. Resulta, naging parang luka-luka lang si KC, na parang siya pa’ng binalikan ng publiko at sinabihang ‘’kaw tong luka-lukang pumatol sa kilala mo na, tapos iiyak iyak ka’!

O di ba?

Di naman umamin sina Rhian Ramos at Mo Twister nung kasagsagan ng kanilang relasyon, but recent events surrounding their separation, confirmed, indeed, they were more than items.

Umabot sa puntong sa tindi ng kahihiyan ni Rhian, nag-take ng leave of absence siya para siguro limutin ang problema. Hinala namin, sa isang pagkakataon, muli itong lalantad pero kung inaakala niyang limot na ng publiko yung ani Mo Twister ay nagpalaglag siya, nagkakamali siya. The issue stucked at hindi na mabubura ‘yun. She is good as demolished dahil na rin sa kanyang kagagawan. If there’s anyone to blame ay ang kanyang kagagahan na hindi mapangatawanan ang kabulastugang pinaggagawa niya sa buhay.

Siya’ng biktima at siya rin ang kontrabidang bumiktima sa kanyang sarili, katulong niya sa pagsira sa kanyang sarili si Mo Twister whose sin is to fall in love with the wrong woman.

“Mali rin namang tao si Mo na kung bakit inibig siya ni Rhian.”

Oo nga!

Ang iba pang naghiwalay: Jodi Sta. Maria and Pampi Lacson (after four years of marriage).

Andi Eigenmann and Albie Casino (na nagging masalimuot dahil sa pagtanggi ni Albie na siya ang ama).

Kris Bernal and Jay Perillo (who never officially admitted that they were on).

Sarah Geronimo and Rayver Cruz (who also never admitted they were on until Rayver dumped her and hooked up with Cristine Reyes).

Jennylyn Mercado and Dennis Trillo (na kesyo binugbog daw siya ni lalaki, pero agad namang nakakuha ng kapalit, si Luis Manzano).

Daiana Menezes and Director GB Sampedro (another bad breakup after announcing that they’re already engaged, with Direk GB about to make ‘pamanhikan’ to Daiana’s parents in Brazil).

Iwa Moto and Mickey Ablan (who are said to be married but won’t admit it, with Mickey quickly replacing Iwa with Janna Dominguez who’s now six-months preggy).

Aiko Melendez and Mayor Patrick Meneses (with Aiko later declared a persona non grata in Bulacan and Mayor Patrick suing Aiko in court for oral defamation and slan- der).

Michelle Madrigal and Jon Hall (after they were so sweet together in Thailand for Survivor Philippines).

Rachel Anne Go and John Prats (with Rachel not even aware and was actually the last to know that John had already dumped her).

Iza Calzado and Atticus King (after two years of being together).

Nadine Samonte and divorced balikbayan actor Leandro Muñoz (they got close when paired in TV5’s The Sisters, but Nadine went back to non-showbiz BF Emerson Chua). Julia Clarete (who’s separated from her Chinese husband) and Illac Diaz (allegedly because Julia got jealous of Angelica Jones).

Dancers Joshua Zamora and Jopay Paguia (after being together for six years).

Angel Aquino and Lui Villaruz (due to jealousy on the part of Lui after Angel was linked to a government official).

Jake Cuenca and Melissa Ricks (they only admitted that they were on for two years after they had an ugly breakup).

Isali rin natin yung makontrobersyang away nina Claudine Barreto at Raymart Santiago na pilit na sinsabing hindi naman daw true.

Huwag din nating kaligtaang isali ang tatsulok na kontrobersya nina Ruffa Gutierrez, Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz.

So there!

****

Governor ER top winner sa MMFF!

AS EXPECTED, halos lahat ng mga kolumnista at nagsasabing kokopohin ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ang mga major award sa Gabi ng Parangal. Parang sinabi naman ng Diyos, humakot ng awards ang natruang movie sa 37th Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap sa Resorts World Manila Performing Arts Theater sa Pasay City, December 28.

Bale labing-isang trophy ang napanalunan ng Asiong Salonga.

Kabilang dito ang Best Picture, Best Screenplay para kina Roy Iglesias at Ray Venura, Gatpuno Villegas Cultural Award, Best Supporting Actor para kay John Regala at Best Director.

Sana lang, these awards will help alleviate the movie para tumaas ang box-office take at isa sa magwagi sa takilya. Sa kasalukyan kasi, nasa bandang ibaba ang gross ng movie kaya inaasahang aangat ito sa ngayon.

Si Maricel Soriano ang nagwaging Best Actress para sa “Yesterday, Today and Tomorrow.”

Hindi dumalo sa awards night ang Diamond Star pati na ang iba pang cast members ng pelikula.

Nakisimpatiya si Maricel sa producer nilang si Lily Monteverde ng Regal Entertainment dahil sa desisyon ng festival committee na i-disqualify ang Yesterday, Today and Tomorrow sa apat na major categories: Best Picture, Best Director, Best Screenplay at Gatpuno Villegas Cultural Award.

Ito ay dahil sa paglabag diumano ng pelikula sa rules ng MMFF kaugnay ng pagpapalit ng isinumiteng script nito.

Hindi rin dumalo sa awards night ang Best Actor winner na si Dingdong Dantes.

Nanalo si Dingdong para sa pagganap niya sa suspense-thriller movie na Segunda Mano.

Tila dininig ang dasal ng co-star ni Dingdong sa pelikula na si Kris Aquino, na sinabing ipinagdasal niya ang pagwawagi ng aktor sa kanilang pelikula.

Panay rin ang bida ni Kris na ang Segunda Mano raw ay pelikula ni Dingdong, na nagbigay ng “performance of his life.”

Nakuha naman ni Eugene Domingo ang kanyang ikatlong Best Supporting Actress trophy mula sa MMFF. Nanalo siya para sa pagganap niya sa My Househusband.

Bukod sa pitong pelikulang kalahok sa Main Competition ng MMFF, namigay rin ng awards para sa New Wave o independent films na kasali rin sa taunang film festival.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply