Sinalanta ni ‘Sendong’ babahain ng ukay-ukay

BABAHA ng mga ukay-ukay relief clothing sa Mindanao na sinalanta ng bagyong “Sendong” sa oras na matapos ang mga kaukulang proseso na dadaanan sa Bureau of Customs ng limang container vans na naglalaman ng mga ukay-ukay galing pa ng Hong Kong na nagkakahalaga ng P20 milyong piso na iligal na pumasok sa bansa .

Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon, ang limang container ng ukay-ukay ay nasabat noong Disyembre 7, 2011 ng mga operatiba ng BOC-Operations and Intelligence Office Enforcement Group.

Ang mga ito ay ibibigay ng ahensya sa DSWD upang pakinabangan ng mga sinalanta at biktima ng bagyo.

Sinabi ni Biazon sa isinagawang media presentation na ang mga nabanggit na container ng ukay-ukay ay sinamsam sa Port of Manila dahil sa paglabag sa Section 2503 misdeclaration at RA 4653 na nagbabawal sa pag-aangkat ng mga gamit na kasuotan kung saan ang mga importers nito na Heritage Asia International Products Trading Corp. ang consignee ng isang container ng ukay-ukay na nagkakahalaga ng P4 milyon, habang ang Global Welltrade Trading Co. ang consignee ng apat na containers ng ukay-ukay na may halagang P16 milyon.

Sasampahan ng kaukulang mga kaso ang dalawang consignee at mga broker nito at pabibilisin din ang proseso upang maipamahagi agad ang mga nasamsam na ukay-ukay sa mga biktima ng bagyong “Sendong” sa Mindanao ayon pa kay Biazon. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply