Singaporean smuggler kinidnap ng CIDG-Anti fraud

AY, ano ba itong nasagap nating balita na “kidnap for ransom” na kinasasangkutan ng mga taga-CIDG-Anti Frauds Division?

Mantakin ninyo, kung sino pa ‘yung mga law enforcer na inaasahan ng tao na siyang magpoproteksyon sa kanila ay ang mga ito pa ang nangungunang gumawa ng kawalanghiyaan sa mga tao.

Gaya na lamang itong “Kidnap for Ransom” na kinasasangkutan ng mga pulis sa CIDG Anti-Fraud.

Noong last Dec. 24, 2011, kung hindi po ako nagkakamali, ay nangyari ang sinasabing kidnap for ransom sa Christmass Party ng CIDG sa Camp Crame, Quezon City.

Habang masayang isineselebreyt ng mga miyembro ng CIDG ang kanilang Christmass Party sa Headquarters, kasalukuyan namang nakikipagtransaksyon daw  ang isang Major Ocampo ng Anti-Fraud ng CIDG sa mga kaibigan ng isang Singaporean na smuggler ng tone-toneladang tanso.

Putok na putok sa buong Camp Crame ang ginawang paghingi ng ransom money ng grupo ni Ocampo sa kinidnap na smuggler na Singaporean.

Ang balita natin, tumataginting na P20M ang napiga ni Maj. Ocampo sa Singaporean kapalit ang kalayaan nito.

Ayon pa sa ating impormasyon, tatlong araw na raw palang nasa safehouse ng mga operatiba ng Anti-Fraud ang nasabing Singaporean.

Nagkasundo lang ang transaksyon ng mga ito last Dec. 24, 2011 na kung saan ay nagbigay ng P20M ang Singaporean.

Napag-alaman pa natin na bago nagkaayusan ang grupo ni Ocampo at  grupo ng Singaporean ay maraming tiwaling opisyal ng gobyerno ang lumutang para arburin ang nasabing ismagler na Singaporean pero ang lahat ay hindi pinagbigyan ng grupo ni Maj. Ocampo.

Abay siyempre naman…

ABANGAN…

oOo

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 0918-9274764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply