Singaporean smuggler na kinidnap ng CIDG (2)

BALIKAN natin itong kinidnap ng mga taga-CIDG-Anti Fraud Division na Singaporean Smuggler noong Dec. 24, 2011, Christmass Party ng CIDG sa Camp Crame Quezon City.

Ayon sa aking ‘asset’ di lamang mga kidnapper ‘yung grupo ni Maj. Ocampo kundi pinasok din nila ang hijacking activities.

Mantakin ninyo‘yung nangyaring ‘December kidnapping’ sa Singaporean Smuggler kung tutuusin daw ay replay na lamang daw ang pagdukot rito.

Dahil sa dinukot na raw ng mga ito ang nasabing dayuhan noong Feb. 2011. (Aba walang kadala-dala ang nasabing dayuhan).

Nakapiga ang grupo ni Maj. Ocampo sa nasabing Singaporean Smuggler ng P30 million. (Wow ang laki naman).

Katunayan ‘yung P30 million na ‘ransom money’ na ibinayad ng Singaporean sa grupo ni Ocampo ay manager check na ipinasok sa dummy account ng isang alyas David Tan sa Banco de Oro (BDO).

Kung hindi ako nagkakamali, ang natatandaan ko na  ang hepe ng Anti-Fraud ng mga panahon na ‘yun ay si Gen. Edgar Danao.

Bukod sa kidnapping, ay nang-hijack din daw ang grupo ni Ocampo  ng tatlong container van ng mga tanso na nagkakahalaga ng P43 million noong Oct. 2011 na ang naging buyer nila at nagpatrabaho o nagtimbre ay  si David Tan din.

Si David Tan ang nagsisilbing financier ng grupo at siya rin ang nagti-tip o nagtitimbre sa grupo ni Maj. Ocampo kung may mga parating na tanso ang Singaporean Smuggler.

Marami pa tayong mga i-expose kaya huwag ka-yong bibitiw……

ABANGAN….

SAKLA PADER SA IMUS SA MGA PULIS

Malakasan ang pasakla ni Amie sa Imus Cavite. Untouchable ang saklaan ni Amie dahil pinoproteksyunan siya ng mga pulis.

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email: juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply