Singil sa kuryente, bababa ngayong buwan

BABABA ang singil sa kuryente ngayong buwan.

Ayon sa Manila Electric Company (MERALCO), posibleng bumaba pa ang generation charge para sa Enero mula sa dating figure nito noong Disyembre.

Ayon kay MERALCO Spokesperson Joe Zaldarriaga, ilalabas nila sa Lunes ang final figure kung magkano ang ibababa sa singil sa kuryente.

Ayon naman kay MERALCO Utility Economics Head Larry Fernandez, ang “dry season rates” ng National Power Corporation (NAPOCOR) na mas mataas ng P0.30 kumpara sa kasalukuyang “wet season rates” ay magkakabisa pa rin sa Pebrero.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply