Single ticketing system oks sa transport groups

SANG-AYON ang iba’t ibang transport groups sa single ticketing system na inayunan ng Department of the Interior and Local Government para sa mga lokal na pamahalaan sa buong bansa partikular sa Metro Manila.

Ayon kay Obet Martin, national President ng Pasang Masda, malaking bagay na maipatupad ang single ticketing system sa bansa o iisang ahensya na lamang ng pamahalaan ang mag-iisyu ng paniket sa mga traffic violator upang maglaho na ang kalituhan ng mga motorista kung saan tutubusin ang kanilang nahuling lisensiya.

Naniniwala rin si Martin na maaaring maglalaho ang korapsyon sa panghuhuli ng mga pasaway na motorista na kalimitang pinagkukunan ng dilihensiya sa pangongotong ng mga tiwaling traffic enforcer.

Kaugnay nito, hindi naman kumbinsido si Goerge San Mateo, national president ng militant transport group na Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) na maiibsan ang korapsyon lalo na ang kotong ng mga local enforcer sa mga motorista kapag naipatupad ang single ticketing.

Sa panayam, sinabi ni San Mateo na hindi lamang naman nangongotong ang mga enforcer ng mga lokal na pamahalaan kundi maging ang mga enforcer ng MMDA at Land Transportation Office (LTO)

“Hindi lang naman local enforcer ang nangongotong e, pati na rin enfocers ng LTO at MMDA kaya nais naming malaman ang sinasaad niyang single ticketing na yan” dagdag ni San Mateo.

Ayon pa kay San Mateo, nais nilang malaman kung magkano ang halaga ng paniket sakaling maging single ticketing lamang ang ipatupad sa panghuhuli sa mga traffic violator dahil sa ngayon aniya mas mababa pa ang halaga ng bayarin sa huli sa mga localities na mas pabor sa kanilang hanay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply