Sinulog could not be reached

HUMIGIT-KUMULANG na limang milyong deboto at turista ang lumahok sa Sinulog Festival noong akinse ng Enero.

Masaya na ang lahat maliban sa dalawang problema.

Ang una ay ang isang motorized banca na lumubog sa fluvial parade. Mabuti na lamang at nasagip agad ng Coast Guard ang mga lulan ng bangka, kung hindi, kay rami na naman sigurong nakitlan ng buhay.

Ang pangalawa ay sa isang kalye sa downtown Cebu. Hindi makatawag ang mga subscriber ng Smart Telecom. Ewan ko kung ganoon din ang nangyari sa iba pang mga kalye.

Ano ang nangyari? Out of reach daw ang Smart.  Hindi natin matiyak sa ngayon kung ano ang naging dahilan at bakit out of the coverage area raw samantalang hindi naman dating problem ang linya ng Smart sa area na iyan.

Ang nakapagtataka, ang sabi ng mga naapektuhan ng pagkamatay ng komunikasyon sa isang kalye sa Cebu City, ay gumagana naman ang Sun na pag-aari rin naman ng Smart.

Katakot-takot na sapantaha tuloy ang nangyari. Kanya-kanyang hulaan ang mga malilikot ang utak.

Kinakapos na ba ng pera ang Smart? Pero imposible yan dahil bilyon-bilyon ang pondo ng Smart.

Mayroon namang kinakabahan na baka ginagamit ng Smart ang perang kinikita sa mga subscriber na pambayad sa upa ng Smart at Fil-Estate para hindi ma foreclose ang Camp John Hay.

May nagsasabi naman na sa pakiwari nila ay gagamitin ang pera ng Smart para sa South Expressway.

Pero hindi, ang Ayala Corp. na ang nanalo sa prangkisa ng South Expressway.

May nagsasabi kasi na lalabanan nila ang Ayala Group para makuha ng grupo ni Manny Pangilinan na siyang may controlling interest sa Smart, Filinvest, Camp John Hay at MRT, kasama ang mga kaanib niyang si Robert Sobrepeña ang South Expressway.

Sa ngayon, ang North Expressway ay kontrolado na ni Pangi-linan. Pero, money begets money, and people are by human nature very insatiable, wa-lang kasiyahan, kaya eh ano naman kung hangarin ni Pangilinan na sakupin ang South Expressway?

Napahaba yata ang kuwento ko tungkol sa mga sapantaha.

Sa totoo lamang, huwag sanang totoo ang kuwentong out of reach ang Sinulog noong Enero dahil baka maapektuhan ang festival na ito.

Ika-32 years nang ginaganap ang Sinulog bilang tourist festival at religious feast sa Cebu.

Sana ay magpaliwanag ang Smart tungkol sa balitang iyan.

Hangad namin ang isang efficient telecom company na walang bahid ng panloloko sa mga subscriber.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply