Sisiw ang patay sa Krismas

MEDYO naguguluhan tayo sa sobra yatang pagngangawa ng pamahalaan sa mga nadidisgrasya at namamatay tuwing sumasapit ang Kapaskuhan, kabilang na ang Bagong Taon at Tatlong Hari o Mago.

Op kors, naiintindihan natin na sana walang madidisgrasya sa Kapaskuhan dahil araw ito ng pagsasaya.

Hindi kasi magandang tingnan na nasa ospital tayo na nagbabantay ng mga napuputukan ng rebentador hanggang sa maputulan ng mga daliri at mabulag ang mga ito at ng mga natatamaan ng ligaw na bala.

At lalong hindi maganda sa pakiramdam ang pagkakaroon natin ng burol sa patay sa gitna ng pagsasaya ni Juan.

oOo

Naguguluhan talaga tayo sa ingay ng mga kinauukulan dahil kakaunti naman talaga ang mga nadidisgrasya at namamatay kumpara sa ibang nadidisgrasya at namamatay sa ibang mga kadahilanan, gaya ng mga sakit.

Sabi ng DOH, nasa 1,000 ang nadisgrasya sa putukan sa Kapaskuhan at kulang-kulang sa 10 katao ang kinuha ni Lord.

Pero sa rekord ng World Health Organization nitong 2010 lang, ang dami ng namamatay sa sakit sa puso (57,864), trangkaso at pulmonya (46,900), sakit sa baga (13,473), tuberculosis (35,867, patayan (17,152), dengue (3,406), anemia (2,259), malnutrition (3,174), asthma (10,471) at marami pang iba.

Namamatay ang karamihan sa mga biktima ng sakit dahil sa kawalan nila ng pambili ng gamot at pampaospital at sapat at ma sustansiyang pagkain.

Ngunit tingnan ninyo, hindi gaanong maringgan ang mga onorabol sa mga disgrasya at kamatayang ito kahit napakalalaki ang diperensiya kumpara sa namatay nitong Kapaskuhan.

oOo

Ang tanong: bakit nananahimik ang mga onorabol dito ngunit maingay sa Kapaskuhan?

Sumasakay lang ba sila sa okasyon para sa pansarili nilang interes?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply