Sistema, operasyon ng BJMP rerepasuhin

UPANG masiguro ang seguridad na ipinaiiral sa loob ng mga piitan ay rerepasuhin ng mataas na pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mga patakaran, sistema, operasyon at mga gawain ng mga tauhan nila sa mga piitan sa bansa.

Dahil dito, maglulunsad ang Command Group ng sorpresang mga pagbisita sa lahat ng mga piitan lalo na iyong mga nasa rehiyon na mas madaling matakasan ng preso na pangungunahan ni BJMP Chief, Jail Director Rosendo M. Dial, kasama ang  Deputy Chief for Administration, Deputy Chief for Operations, Director for Intelligence, at Chief of the Bureau’s Internal Audit Service.

Ayon kay Dial, ang layunin ng pagbisita ay para inspeksiyunin ang mga pasilidad ng bawat unit, operasyon, security system, gawain ng mga personnel at iba pang concerns.

Aniya ang kapabayaan aniya ng ilang naka-duty na tauhan ang dahilan ng mga insidente ng pagkakapuga ng ilang preso sa BJMP kung kaya nakahanda naman aniya ang kasong administratibo laban doon sa mga natakasan at dismissal ang naghihintay para sa matatakasan.

Dahil dito, maglulunsad din ng seminars ang BJMP upang mas mapatatag ang seguridad sa mga kulungan, magkakaroon ng lectures para sa value formation at moral enhancement sa mga tauhan sa bawat filed units bahagi na rin ng pagbisita.

“This will refresh the knowledge of our jail officers on how to handle security concerns in their respective units. The seminar on values formation and moral enhancement shall sustain their commitment to and integrity in public service beyond personal interest,” ayon pa kay Dial.

Umaasa ang BJMP na mas mapapalapit ang kalooban ng mga tauhan sa field units sa mga top brass ng BJMP sa gagawing sorpresang pagbisita.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply