SK chairman kulong sa pambubugbog

KULONG ang inabot ng isang Sanggunian Kabataan chairman at pinsan nito matapos pagtripang bugbugin ang isang totoy sa Caloocan City Huwebes ng madaling araw.

Nahaharap sa kasong physical injury in relation to child abuse sina Niño Icered Lazaro, 18, SK chairman ng Barangay 4 at pinsan na si John Jerry Dela Torre, 23, kapwa ng Velasco St., ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang edad 14 ng Pili St., ng lungsod, dakong ala-1:30 ng madaling araw, naglalakad siya sa A. Mabini ng lungsod nang lapitan at bugbugin ng mga suspek na nakainom ng alak.

Nakita naman ng mga nagrorondang tanod ang pangyayari na naging dahilan upang tulungan ang biktima at dakpin ang dalawang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply